Sa ginanap na ASAP 20 presscon ay ang Supah dance number nina Gerald Anderson at Kim Chiu para sa throwback dance segment ang pinaka-highlight kasama rin si Nash Aguas at Gimme 5.
Kasama dapat si Rayver Cruz sa production number nina Kim at Gerald pero maysakit daw ang aktor kaya’t ang Kimerald na lang ang sumayaw na talagang hiyawan ang lahat dahil kitang-kitang may kilig pa rin.
Kaya’t tinanong sina Kim at Gerald kung na-miss nilang sumayaw na magkasama, “oo nga po, naging throwback ‘yung kanta, throwback din ‘yung loveteam, ganoon po mag-isip ang ‘ASAP’, eh,” say ng dalaga.
Naku, tiyak na makakatanggap ng sangkaterbang emails ang Kimerald fans na muli silang gawan ng segment sa ASAP 20.
ni Reggee Bonoan