Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dra. Pie, balik-‘Pinas

ni Alex Datu

021115 pie calayan

ILANG taon ding nanirahan si Dra Pie Calayan sa USA para i-manage ang kanilang clinic doon ni Dr Manny Calayan, ang Calayan Aesthetic Clinic. Kaya wine-welcome naming ang magaling na dermatologist.

Tsika ni Dok Manny, sobrang na-miss ng kanyang asawa ang Pilipinas at gustong-gusto nitong mabuo uli ang magic tandem sa trabaho kaya nagdesisyon na itong bumalik for good.

Tamang-tama naman ang pagbabalik ni Dra Pie dahil nataon ito sa kanilang silver wedding anniversary at kagagaling lang nila sa Balesin Resort para sa kanilang pulot-gata. Take note, naunahan pa nila ang ikakasal na sina Heart Evangelista at Sen Chiz Escudero.

Sa pamamagitan ng text messages, napag-alaman naming sobrang bless si Dok Manny noong pagdalaw ni Pope Francis dahil isa siya sa iilan na nakamayan ang Santo Papa.

Samantala, abangan ang gagawing panayam ni Boy Abunda kay Dra Pie sa ABS-CBNBottomline at doon muli ninyong makikita ang magaling na dermatologist pagkatapos nitong manirahan ng ilang taon sa America. Still looking fresh and beautiful ‘ika nga, taliwas sa naglalabasang balita noon na nasira ang mukha nito dahil sa isang karamdaman.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …