Aabot sa 60 ang artista ng ASAP at bongga pa lahat ng segments at inamin ni Ms Apples kasama na rin si Ms Linggit Tan na naging bahagi rin ng longest running variety show ng ABS-CBN na inaabot sa limang milyon (P5-M) ang budget ng programa linggo-linggo.
“Pero isa po ang ‘ASAP’ sa money-maker ng ABS-CBN,” sabi ni Apples sa amin.
Ano naman ang ginagawa nila kapag may mga artistang pasaway sa show?
“Honestly, wala namang major problem, minimal lang at hindi naman naiiwasan. Ang maganda sa artists namin, nakikinig at sumusunod at alam nila ang mali nila.
“Kasi alam naman nilang teamwork ito so, walang pasaway na matindi. At wala rin kaming parusang ibinibigay or whatever ‘pag may mali,” pagtatanggol ni Ms Apples.
Sa tatlong oras na umeere ang ASAP linggo-linggo ay aminadong alternate ang 60 artists nila para mabigyan ng sapat na exposure.
At ang 15 segments ay alternate sa isang buwan itong ginagawa para raw mapagkasya nila lahat sa tatlong oras.
Sa darating na Pebrero 22 ay makisaya sa longest running at Asia’s Outstanding Variety Show sa Asian rainbow TV Awards, ASAP 20 sa kanilang selebrasyon sa Mall of Asia Arena sa ganap na 12:15 ng tanghali.
ni Reggee Bonoan