ni Roldan Castro
MULA nang lumipat si Albie Casino sa TV5 ay laging nakikiusap ang mga nasa paligid niya na ‘wag magtatanong ng tungkol kay Andi Eigenmann.
Pero sa nakaraang presscon ng Wattpad Presents: A House Full of Hunks ay binasag niya ang kanyang katahimikan sa napapabalitang anak nila umano ni Andi pero nasasangkot din ang pangalan ni Jake Ejecito (dating boyfriend ni Andi na anak ni dating Pangulong Joseph Estrada).
Bungad niya ay first and last na magsasalita siya.
“From the start, there was always me and Jake Ejercito. There was always the two of us. I don’t know why everyone think it was me. There is no concrete evidence. She just said it was me. She never gave me a DNA test. I don’t know why people automatically assume it was me,” deklara ni Albie.
Hindi na nag-comment si Albie kung willing siyang makasama sa isang project o teleserye si Andi. Minsan kasi ay may mga offer si Albie sa ABS-CBN 2 pero may conflict sa schedule.
Noong kasagsagan kasi ng isyu kina Andi at Albie ay naapektuhan ang career ni Albie sa ABS-CBN 2. Pero wala naman daw siyang pinagsisisihan sa pagiging Kapatid star dahil binigyan din siya ng oras na makapag-aral. Hindi nila binibigyan ng conflict ang schedule niya at naiintindihan nila ‘yun.
Aware rin si Albie na nali-link ngayon si Andi kay Bret Jackson.
“Bret and me, we’re okay. He’s a good friend. There are things I’d like to talk to him about when I see him again,” sambit niya.
Hindi naman daw si Andi ang gusto niyang maging topic nila ni Bret.
“I don’t wanna influence Bret because I know he likes Andi. If that’s what he likes, good for him,” bulalas pa niya.
Anyway, magpapakita siya ng kaseksihan sa Wattpad Presents: A House Full of Hunks na kasama niya sina Jasmine Curtis, Vin Abrenica, Charlie Sutcliffe, Sandino Martin, atJohn Spainhour. Mapapanood ito simula Lunes hanggang Biyernes, 9:00 p.m..