Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Throwback dance nina Kim Chiu at Gerald, kinakiligan; Gov. Vi, makikigulo sa ASAP 20 anniversary

021015 kim gerald vilma

00 SHOWBIZ ms mHINDI man sa ikinatuwa ang ‘di pagkasama ni Rayver Cruz sa presscon ng ASAP 20 para sa dance number nila nina Kim Chiu at Gerald Anderson, tila blessings pa ang nangyari. Paano’y nagkaroon ng pagkakataong magkasama ang dalawa (Kim at Gerald) kaya naman marami ang kinilig.

Nagkasakit pala si Rayver kaya hindi nakarating. Ang maganda pa, throwback music at throwback dance steps ang sinayaw ng dalawa kaya hindi naiwasang tuksuhin ang dalawa. Hindi talaga maikakailang bagay na bagay ang dalawa na masasabing saksi ang ASAP sa naging relasyon nila noon.

Paano’y 20 taon na pala ang ASAP. At sa 20 taong pamamayagpag nito, marami na sa mainstay nito ang nagdalaga, nagka-isip, nagka-asawa at kung ano-ano pa. Kaya naman hindi na rin nakapagtataka kung magkaroon o gumnawa na ng libro ang ASAP.

At dahil 20 taon na, siyempre pa, asahan ang pinakamaningning na pagdiriwang nito na magaganap sa Pebrero 22 sa Mall of Asia Arena. Samahan ang buong cast at naglalakihang Kapamilya stars sa hindi malilimutang sorpresa at performances.

Masasaksihan sa ASAP center stage ang masayang barkadahan ng The Hunks, Coverboys, at The Kantoboys. Susundan ito ng kapana-panabik na teen segments ng Pare Konnection, Kidlots, Kidlettes, at Gimme 5; at ng all-star girl power ng ASAP It Girls at ASAP IG. Hindi naman paaawat ang breath-taking dance reunions ng Sayawnara, Clashdance, Anime, Giggerboys, UD4, Supahdance, at world class musical reunions ng The Champions, Sessionistas, at ang masayang barkada ng ASAP Karaokey.

Tiyak ding kikiligin ang lahat sa romantic Kapamilya team power ng KathNiel, LizQuen, JaDine, at KimXi.

At siyempre pa, hindi pahuhuli sa pasiklaban ang ultimate musical collaboration nina Piolo Pascual, Toni Gonzaga, Bamboo and Sarah Geronimo na susundan ng jaw dropping performances of ASAP hosts na sina Martin Nievera, Pops Fernandez, Ariel Rivera, Zsa Zsa Padilla, Richard Poon, Kuh Ledesma, Vina Morales, at Gary Valenciano sa kanilang pinakahihintay na reunion. World class Filipino talent naman ang tiyak ipamamalas nina Arnel Pineda, Charice, Jed Madela, Erik Santos, Angeline Quinto kasama ang surprise OPM guests sa kanilang once in a lifetime collaboration. Maki-jamming naman sa masayang kantahan ng ASAP Sessionistas.

Tiyak na kakaibang tawanan at saya ang hatid ng inaabangang get-together ng ASAP’s ultimate boy group na Kanto Boys kasama sina Billy Crawford, Luis Manzano, Vhong Navarro, at John Lloyd Cruz. Hindi rin pahuhuli ang ASAP It Girls na sina Liza Soberano, Janella Salvador, Julia Barretto, Kathryn Bernardo, Bea Alonzo, Anne Curtis, Nikki Gil, Jolina Magdangal, Roselle Nava, Nikki Valdez, at Lindsay Custodio sa kanilang nakaaaliw na performances at timeless charm.

Abangan din ang hottest dance showdown nina Sunshine Cruz, Ina Raymundo, Regine Tolentino and Vina Morales na susundan ng ASAP Grand Karaokey Challenge kasama sina Luis, Alex Gonzaga, at ang inaabangang pakikisaya ni Gov. Vilma Santos-Recto.

Kaya kung gusto ninyo ng total entertaining show, manood na ng longest running at Asia’s Outstanding Variety Show, ASAP 20 sa Feb. 22, Linggo, 12:15 ng tanghali.

ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …