Monday , December 23 2024

Tetay, ‘sumuko’ kina Juday, Ogie, at Regine

020815 Juday

00 fact sheet reggeeHINDI na pinatagal pa ni Kris Aquino ang isyu nila ni Judy Ann Santos dahil noong Huwebes, Pebrero 5 ay nagpadala na siya ng mensahe sa aktres.

In-unfollow ni Kris si Juday nang mag-post sa kanyang IG account ang huli ng saloobin niya tungkol sa ginawa ni Presidente Noynoy Aquino sa 44 fallen soldiers na hindi niya sinalubong nang dumating dito sa Maynila ang mga bangkay.

Umamin naman ang Kris TV/Aquino & Abunda Tonight host na sumama ang loob niya hindi lang kay Juday kundi maging sa mga kaibigan nitong sina Ogie Alcasid atRegine Velasquez.

Pero ilang araw lang ay napag-isip-isip na ni Kris ang ginawa niya kaya naman hindi na niya pinatagal pa ang sitwasyon at siya na mismo ang nag-reach out kina Ogie, Regine, at Juday.

Kaya naman nagpadala siya ng mensahe kay Juday noong Huwebes, pero bago nangyari iyon ay dumaan daw muna siya sa simbahan, base sa post niya sa IG account niya.

“I just came from 1 of my favorite Churches on my way to A&A. I said sorry to God for my sin of pride. I can be impulsive & overly emotional. But I also believe I am never spiteful & always respectful. Above all, I know how to take responsibility for my actions. Before leaving for work, I felt my guardian angel telling me to text @officialjuday. Naglakas loob ako & prayed for the best. Thank You God for answering my prayer. * #ýmutualrespect”

Ang mensahe ni Kris kay Judy Ann, ”Hi, Juday, it’s Kris.  I decided to text kasi through the years, never tayong nagka-problem between us, hindi tayo close, but there was always warmth.

“I just wanted to say that no matter the provocation to make matters worse between us, I do hope when all is this behind us, we can move forward.  Here’s to Peace and Harmony.”

At sinagot kaagad ito ni Budaday ng, ”Hi Kris…it’s a relief receiving a text from you.  I was actually waiting for the right time to text you and explain my side.  I respect and fully understand your actions.  Hindi naman talaga madali ang pinagdadaanan mo.

“What I posted in my IG (instagram) was my opinion on what happened that day…I just expressed my thoughts on the situation..it was never my intention to hurt you..tama ka, hindi tayo close, there was always warmth and I value the friendship that we have. Praying for peace, wisdom and God’s guidance for all of us.”

So okay na sina Kris at Juday.

ni Reggee Bonoan

About hataw tabloid

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *