Saturday , November 23 2024

Lihim na kantiyaw kay Sevilla mula sa mga naka- floating

00 Palipad hangin Arnold ataderoLIHIM na kinakantiyawan si Customs Commissioner John Sevilla ng mga “floating” na district/port collector sa administration niya.

Ito ay sa dahilang bagsak din ang kanyang revenue collection sa 2014 ng P42 bilyon laban  sa target na P406 bilyon.

Siyempre may mga alibi si Sevilla na tila ang trato niya sa mga professional na district/port collector, they have outlived their usefulness in the Bureau. Sa tingin ng lahat sa Bureau, hindi pa makababalik sa dating puwesto nila  ang floating officials, lalo pa at ginawaan sila ng kanilang mga bagong office ng Department of Finance. Wala silang trabaho doon kung hind mag-log in at mag-logout.

Pinaliitan baga sila ng mga experience na mga retiradong heneral ng militar  at ilang civilian officials. Ibig daw bang sabihin na hindi pa kayang gampanan ng mga dating militar na siyang dumidiskarte sa mga Puerto, kahit iyong biggest ports sa Metro Manila?!

Hindi biro ang P42-bilyon na shortfall ni Sevilla. Ngayon pa lang, umiiyak na si Sevilla sa kanilang target sa taon na ito na P456 bilyon. Isipin na lang ang karamihan sa pinalitan ay mga experienced career people na humawak ng mga puerto nang kung ilang dekada na. Their replacements are still between the ears. Marahil  ang isang dahilan kuno sabit sila sa mga irregularity sa Bureau tulad ng smuggling at ibang form of corruption. Sana pinaandar ang existing  mechanism kung mayroong dossier laban sa mga career people na ito.

Maghihintay na lang daw sila ng pag alis ng administration ni PNoy na ngayon ay todo-todo ang inaaning batikos at pang-iinsulto sa maraming critic at detractor highlighted by the January 25 massacre of 44 PNP-SAF commandos.

Nitong nakaraang buwan lumutang ang tsismis na ni Sevilla ay nagbitiw umano sa kanyang puwesto. Sa loob ng isang taon na natitira, malabo pa sa dilim na makuha niya ang kanyang target na P456 bilyon.

 

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *