Sunday , December 22 2024

Bulgarian nat’l itinumba sa bus terminal

Police Line do not crossPINAGBABARIL hanggang mapatay ng hindi nakilalang kalalakihan ang isang babaeng Bulgarian national habang papasakay ng bus sa terminal sa Bypass Road, Brgy. Sta. Clara, Sta. Maria, Bulacan kamakalawa.

Kinilala ang biktimang si Lina Vasileva-Hristova, 65, naninirahan sa Marian Subdivision, Brgy. Poblacion, sa naturang bayan.

Sa imbestigasyon ng pulisya, kabababa lamang sa tricycle ng biktima kasama ang kaibigang si Jhoana Durana nang biglang sumulpot ang mga salarin at walang habas na pinagbabaril ang dayuhan hanggang bumulagta sa kalsada.  

Nakikipag-ugnayan na ang mga awtoridad sa Bulgarian Embassy upang ipaalam ang naganap sa kanilang kababayan.

Micka Bautista

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *