Tuesday , December 30 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

‘Resignation Cake’ Regalo Kay Pnoy

resignation cake‘RESIGNATION cake’ ang regalo ng mga grupo ng militante sa ika-55 kaarawan ni Pangulong Benigno Aquino III.

May nakalagay na “Noynoy Resign Now!” binitbit ng  Anakbayan at League of Filipino Students (LFS) ang mock cake sa protesta sa Mendiola kahapon

Hiling nilang magbitiw na si Aquino dahil sa operasyon sa Mamasapano na ikinamatay ng 44 pulis.

Giit ni Anakbayan National Chairperson Vencer Crisostomo, “At 55, Aquino is old enough to know that he is responsible for the Mamasapano encounter. He was there on the command center when the encounter happened, yet he continues to dodge accountability for the event.”

Lakas, patnubay at grasya birthday wish ni Pnoy

IBAYONG lakas, patnubay at grasya.

Ito ang panalangin ni Pangulong Benigno Aquino III sa kanyang ika-55 taon kaarawan kahapon.

“Siyempre ang nais ng Pangulo sa kanyang pananalangin ay magkaroon siya ng ibayong lakas at patnubay at grasya na magampanan ang kanyang mga tungkulin dahil po sa mahalagang ginagawa niyang paglilingkod sa ating mga mamamayan,” sabi ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr.

Hiniling din ni Coloma sa publiko na ipagdasal si Aquino upang matupad ang mga ipinangako niyang maramdaman ng lahat ang pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.

“Taimtim na panalangin at gabay ng Panginoon ang ating hangad para sa Pangulo sa kanyang patuloy na pagpapatupad at pagtataguyod ng mga proyekto at programa para matamo ang adhikaing inclusive growth sa loob ng kanyang panunungkulan,” aniya.

Tulad ng inaasahan, pribadong ipinagidiwang ng Pangulo ang kanyang kaarawan sa piling ng kanyang pamilya at makaraan ulanin ng batikos dahil sa madugong Mamasapano operation na nagresulta sa pagkamatay ng 44 miyembro ng Specia Action Force (SAF).

Rose Novenario

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …

Senate Senado

5 senador pasok bilang ‘most favorable’ senators

TATLONG miyembro ng mayorya at dalawa mula sa minorya ang pumasok sa top 5 ng …

Nartatez United Candelaria Doctors Hospital

Acting PNP Chief Nartatez Personal na Dumalaw sa mga Sugatang Pulis at Pinarangalan ang Nasawing Kasamahan sa Quezon

Pamumunong Nariyan Kapag Kailangan Hindi nag-atubiling magtungo si Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio C. …