BUKOD sa release ng Star Cinema ang “That Thing Called Tadhana,” at nanalo ng dalawang Best Actress award ang pangunahing bida ng pelikula na si Angelica Panganiban, sa ganda ng pelikula at husay ng performance ng bawat character ay graded A ito sa Cinema Evaluation Board (CEB). Hindi naman nakagugulat na mabigyan sila nang ganito kataas na rating dahil marami talaga ang mga pumupuri ngayon sa pelikula na simple pero may kurot sa puso sa mga manonoood partikular na sa lahat ng single na kabe-break lang sa kani-kanilang mga special someone na araw-araw ay humuhugot ng emosyon at hirap makapag-move on. Inilalarawan ng parehong sawi sa pag-ibig na sina Mace (Angelica) at Anthony (JM) sa pelikulang ito na kahit may ‘hugot’ kang pinagdaraanan sa iyong lovelife, tuloy pa rin ang buhay at magandang paraan ay libangin mo ang sarili mo sa maraming bagay. Siyempre kailangan mo rin ng moral support o makakausap, so, puwede mong tawagan ang mga taong bihira mo nang makita at makasama dahil naging abala ka nga sa taong minahal mo. Malaking tulong talaga ang film na ito nina Angelica at JM sa lahat ng broken hearted na kahit ilang oras lang ay gagaan ang pakiramdaman sa pinagdaraanan sa buhay.
Kung acting ang pag-uusapan ay mas lalo pang nag-level up sa husay at galing ang dalawang bida na sa buong pelikula ay magkasama sa eksena at kaaaliwan ninyo talaga ang character dito ni Mace na sawi man sa pag-ibig ay funny pa rin ang dating sa romantic comedy film nila ni JM. Palabas pa rin ang “That Thing Called Tadhana” over 100 theaters nationwide.
Kaya nood na kayo gyud!
GUMAYA KAY BEYONCE ITINANGHAL NA FIRST GRAND WINNER SA GGSS SA EAT BULAGA
Matindi ang impact ng ginawang performance ni Kyle Hontiveros a.k.a. Beyon-Say My Name, Say My Name na kabilang sa 8th Grand finalists ng GGSS o Gayang-Gaya Siyang-Siya sa ginanap na grand finals last Saturday sa Broadway Studio ng Eat Bulaga. Kaya naman nagkaisa rin ang lahat ng judges na kinabibilangan nina Chereret Paolo Ballesteros, Okrah Wally Bayola, Jaya-Jaya Puto Maya Aicelle Santos, Christian Bautista at Divine Diva na si Ms. Zsa Zsa Padilla na among the finalists ay si Kyle ang tanghaling kauna-unahang grand winner sa GGSS. Bukod sa kanyang talent sa pagli-lypsinc at pagsayaw ay malaking factor rin sa pagkakapanalo ni Kylie ang makeup transformation (pinauso niPaolo) para maging magkamukha sila ng idolong si Beyonce at pati outfit ng globally famous na foreign artist ay ginaya rin niya kaya naman lumitaw rin talaga ang kaseksihan niya sa TV screen. Bukod sa korona bilang title holder ay P200,000 cash ang naiuwing premyo ni Kylie sa pagkakapanalo niyang ito sa nag-iisa at walang katulad na talent search na hatid ng no.1 and longgest-running noontime variety show ng Philippine local TV na maging ang mga residente ng iba’t ibang Barangay ay naging bahagi rin bilang mga hurado rito.
ni Peter Ledesma