Monday , December 23 2024

Pekeng ‘Frozen’ dolls may lason

fake frozen dollsANG pekeng ‘Frozen’ dolls na hango sa pelikulang “Frozen” na ibinebenta sa Divisoria district ay hindi lamang lumalabag sa intellectual property rights, kundi maaari ring mapanganib dahil sa pagtatalay ng kemikal na phthalate.

Ang phtalates, ang synthetic chemicals na ginagamit para mapalambot ang polyvinyl chloride (PVC) products, ay natuklasan sa sample dolls na binili at sinuri ng EcoWaste Coalition.

Ayon sa grupo, ang fake Anna, Elsa at Olaf dolls ay ibinebenta sa pangalang katulad ng “Disney Frozen,” “Fashion Freeze,” “Fashion Frozen,” “Frozen,” “Girl Snow,” “Happy Doll Collection,” “Happy Every Day,” “Magic Snow” at “Sweet Fashion.”

Sinabi ni EcoWaste coordinator Anthony Dizon, maaaring maisubo ng mga bata ang mga bahagi ng manika o makain ang mga ito.

Kapag nakain aniya ang kemikal na phthalates, maaari itong makaapekto sa hormone functions at magdulot ng problema sa kalusugan katulad ng asthma, reproductive disorders at cancers.

“Our country also limits phthalates in toys.  However, we have yet to hear a single case of toy ban or recall due to excessive phthalate content despite the availability of PVC toys in the local market,” dagdag ni Dizon.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *