LAST performance na ni Kyla ang kanyang ginawa sa Sunday All Stars noong February 1. Ayon sa singer, very soon ay mapapanood na siya sa ASAP na siyang katapat ng dati niyang Sunday variety show sa Siyete.
Nabanggit din ni Kyla na ang hahawak na sa career niya ay ang Cornerstone Talent Management.
Inamin ni Kyla na matagal na niyang ipinagdadasal na matagpuan niya ang mga taong magbibigay sa kanya ng lakas ng loob at direksiyon sa gusto niyang tahakin sa kanyang career.
“Then, I think in one of the events-I think Awit Awards-I stumbled across a lot of people, kasama na roon ang Cornerstone. Then, nag-lead na doon. Everything just happened so fast for me. Medyo nagugulat pa rin,” saad ni Kyla.
“I feel really great about my decision. I mean, I didn’t burn any bridge naman. I’m still friends with everybody. Nagkaroon ako ng closure, I said my goodbyes and they’re all very happy for me,” esplika pa ng singer sa isang panayam.
Si Kyla ang latest GMA-7 talent na nag-ober-da-bakod sa ABS CBN. Bukod kay Kyla, ang mga talents na sina Isabelle Daza, Jolina Magdangal, at Maxene Magalona ay bagong lipat din sa ABS CBN mula sa Kapuso Network.
Sa pagkawala ni Kyla sa SAS, lalong napilayan ang show na ito. Bukod kay Regine Velasquez, sino pa ang maaasa-han para itayo ang bandera ng show na ito na every Sunday ay laging nilalamon ng ASAP, both sa ratings at pagalingan ng production number. Hindi ako magtataka kung very soon ay magre-reformat o titigbakin na naman ang Sunday noontime show ng Siyete.
ni Nonie V. Nicasio