ni Rommel Placente
SINABI ni Derrick Monasterio na wala raw siyang alam kung talagang break na sinaJake Vargas at Bea Benene. Magkaibigan lang daw sila ni Bea although aminado siya na madalas silang magkasama ngayon.
Sabay daw silang nagdyi-gym, nagbo-boxing, at kumakain sa labas. Pero hindi raw ibig sabihin niyon na sila na raw.
Igiit pa ni Derrick na talagang magkaibigan at close lang sila ni Bea.
Hindi nga raw niya alam kung bakit nadaramay ang pangalan niya sa sinasabing break-up ng dalawa. Pero nang tanungin namin siya kung posible bang ligawan niya si Bea kung totoong hiwalay na ito kay Jake, ang sagot niya ay puwede.
So, iisa lang ang ibig sabihin nito, na type niya si Bea, ‘di ba? O baka naman break na talaga sina Bea at Jake at kung sakaling aaminin ‘yun ng dalawa ay at saka lang siguro aamin si Derrick na sila na nga ni Bea, ‘di ba?