Monday , December 23 2024

Buy & sale agent ng ginto itinumba

dead buy and sellCAMP OLIVAS, Pampanga –Hinayaan munang matapos mag-almusal ang isang lalaking namimimili ng ginto bago pinasok ng isa sa riding in tandem sa loob ng canteen at binaril sa batok ang biktima kamakalawa ng umaga sa Sitio Santiago, San Vicente, bayan ng Apalit.

Base sa ulat ni Supt. Samuel Sevilla, hepe ng Apalit Police, sa tanggapan ni Chief Supt. Ronald Santos, PRO3 director, wala nang buhay nang madatnan ng mga pulis ang biktimang si Ariel Manabat y Punzalan, 47, ng San Roque, Macabebe, Pampanga.

Sa pagsisisyasat ni PO1 Artem Salita Tamsi, nabatid sa ilang saksi, maaaring may atraso ang biktima sa pamimili ng ginto dahil nakasakay pa lamang siya sa jeep galing ng Macabebe ay may sumusunod na sa kanyang dalawang lalaking lulan ng motorsiklo.

Pagdating sa Sitio Santiago ay bumaba ang biktima upang mag-almusal ngunit hinintay ng mga suspek at nang matapos kumain ay biglang pumasok ang mga salarin sa canteen at pinaputukan siya sa batok.

Nang masigurong patay na ang biktima ay mabilis na tumakas ang mga suspek lulan ng motorsiklo.

Leony Arevalo

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *