Tuesday , December 30 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Iñigo at Julia, may follow-up agad na serye after Wansapanataym

020615 Julia Barretto Iñigo Pascual

00 fact sheet reggeeMAMI-MISS ng supporters sina Inigo Pascual at Julia Barretto dahil huling linggo na nila ngayong Linggo, Pebrero 8 para sa episode ng Wansapanataym Presents Wish Upon A Lusis.

Pero dahil sa ganda ng tandem nina Inigo at Julia ay may follow-up serye ang dalawa pagkatapos ng pelikulang isinu-shoot nila.

Panoorin muna ang pagtatapos ng Wish Upon A Lusis na sa pagkawala ng isa sa kanyang mga magic lusis na may kapangyarihang tuparin ang anumang hiling, magdedesisyon si Joy (Julia) na isakripisyo ang kanyang natitirang kahilingan para ibigay na lamang ito sa nagnakaw na si Minerva (Susan Africa).

Matutupad pa kaya ang kahilingan ni Joy na magkaroon ng sariling pamilya ngayong ubos na ang mga magic lusis? Ano nga ba ang sikretong matutuklasan ni JP (Iñigo) na magdadala ng malaking pagbabago sa buhay ni Joy?

Bukod kina Inigo at Julia ay kasama rin sina Perla Bautista, Bobby Andrews, Miguel Vergara, Eunice Lagusad, Kazumi Porquez, Daisy Reyes, at Ana Roces mula sa panulat ni Joel Mercado at direksiyon nina Manny Palo at Rahyan Carlos.

Ang original story book ng batang Pinoy na Wansapanataym ay mula sa produksiyon ng Dreamscape Entertainment Television, ang grupong may likha ng mga de-kalibre at top-rating TV masterpiece gaya ng Walang Hanggan, Ina, Kapatid, Anak, Juan dela Cruz, at Ikaw Lamang.

ni Reggee Bonoan

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Vice Ganda, Ion Perez pinaghahandaan pagkakaroon ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SINABI ni Vice Ganda, sa isang panayam na willing sila ni Ion Perez na …

James Reid Nadine Lustre Jadine

Nadine ayaw na nga bang makatrabaho si James?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAALIW naman kami sa latest interview kay Nadine Lustre. Bukod sa pagiging consistent …