Monday , December 23 2024

Resignation ni Purisima kinompirma ng Pangulo

pnoy purisimaTINANGGAP na ni Pangulong Benigno Aquino III ang pagbibitiw ni suspended Philippine National Police (PNP) chief bilang pinuno ng pambansang pulisya.

Inihayag ito ng Pangulo sa kanyang President’s Message to the Nation kagabi o isang araw makaraan kumalat ang balita na nagbitiw na si Purisima.

Inamin ng Pangulo na mahirap para sa kanya na tanggapin ang pagbibitiw ni Purisima na itinuturing niyang tapat at maasahang kaibigan na hindi siya iniwan sa ano mang laban.

“Kaya nga po, siguro naman ay maiintindihan ninyo kung bakit masakit para sa akin na aalis siya sa serbisyo sa ilalim ng ganitong pagkakataon. Tinatanggap ko po, effective immediately, ang resignation ni General Purisima. At nagpapasalamat ako sa mahabang panahon ng kanyang paglilingkod bago mangyari ang trahedyang ito,” aniya.

Anim na buwan suspensiyon na ipinataw ng Ombudsman laban kay Purisima dahil sa mga kasong katiwalian.

Nakatakdang magretiro sa PNP si Purisima sa Nobyembre ng taon kasalukuyan.

Kaugnay nito, hinamon ng Pangulo ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) o alin mang grupo na isuko sa pamahalaan ang sino mang terorista na nasa kanilang territory o o kaya’y huwag makialam kapag may aarestuhin ang mga awtoridad.

Sa ikalawang pagkakataon mula nang maganap ang Mamasapano incident ay sinisi ni Pangulong Aquino ang sinibak na SAF chief na si Director Getulio Napenas dahil sa kawalan ng koodinasyon sa militar kaya’t maraming dapat sagutin sa isinasagawang imbestigasyon ng Board of Inquiry  (BOI) ng pulisya.

Rose Novenario

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *