Monday , December 23 2024

PNoy walang K sa Nobel Peace Prize (Dahil sa Fallen 44)

PNOY SAF 44HINDI dapat makasama sa mga nominado para sa pinakaaasam na Nobel Peace Prize si Pangulong Benigno Aquino III dahil nasa mga kamay niya ang dugo ng Fallen 44.

Ito ang paliwanag ni Mary Urduja Li, isang concerned netizen na nagpasimuno ng online petition na “NO! to the nomination of President Aquino for a Nobel peace Prize” sa Change.org. na may layuning mangalap ng libo-libong lagda ng netizens para maipadala sa Norwegian Nobel Institute sa Oslo, Norway.

Aniya ang pagkamatay ng Fallen 44 ay dulot ng palpak na operasyon kontra-terorismo sa Mindanao.

Ang masamang planong ito aniya ay nagresulta sa pagmasaker sa elite forces na tinadtad ng mga kalaban, at mas kinakampihan pa ng Pangulo ang MILF.

“Their Blood are on his hands! Do not allow the death of the 44 Elite troops to be used as his trophies as a nominee to this much coveted prize!” sabi sa petisyon.

Habang ang iba pang petisyon sa Change.org kaugnay sa Fallen 44 ay ang “Reward for the Death of Marwan should be given directly to the families of 44 killed and 11 wounded PNP-SAF” ni Lei Asuque-Talvo, ang “Name Streets After SAF 44” ni Glenn Valerio,  at ang “Stop DSWD from receiving donations on behalf of SAF 44” ng THEPHILBIZNEWS.

Rose Novenario

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *