Monday , December 23 2024

SAF OPS sa Mamasapano kulang sa exit strategy

killed SAFPINUNA ni dating PNP-CIDG chief at ngayo’y ACT-CIS party-list Rep. Samuel Pagdilao ang nasilip niyang kakulangan sa madugong operasyon sa Mamasapano na ikinamatay ng 44 PNP-SAF commandos. 

Sinabi ni Pagdilao, naging bahagi rin ng SAF sa pagtatatag nito noong Mayo 1983, naniniwala siyang buo ang plano ng SAF sa operasyon sa Mamasapano ngunit “ang nakikita ko diyan nagkulang ‘yung pinakahuling part which is the extrication, the exit tactics, exit strategy.”

“D’yan natin makikita na may pagkukulang because … if you want that operation be entirely SAF operation for secrecy and success, dapat you would have completed the scheme by providing all the means necessary for an extrication including sea and air.” 

Naniniwala si Pagdilao na “secrecy” ang pangunahing elemento para maging matagumpay ang operasyong ito sa Mamasapano. Ito’y dahil maraming beses na aniyang tinangkang hulihin si Zulkifli Bin Hir alyas “Marwan” ngunit dahil sa ‘leakages’ nabibigo ito.

“That’s why I can understand ‘yun pong element of coordination (sa Mamasapano) medyo pinag-isipan ho nila ang gagawin (sic),” opinyon ni Pagdilao.

Sa ilalim aniya ng police operational procedures, may tatlong mode ng koordinasyon: bago ang operasyon, habang may operasyon, at matapos ang operasyon.

“In this case napasok ho nila, ‘yung area of operation nila is behind enemy lines or inside the heartland of enemy-controlled area. They were successful in penetrating and when you penetrate you have to involve the small unit so that you will maintain secrecy and you gain … the most important is the element of surprise,” ngunit dugtong ni Pagdilao, nagiba ito nang papatakas na ang grupo.

Kung may pananagutan at sino ang dapat managot sa nangyari sa SAF operations sa Mamasapano, ito aniya ang dapat tutukan ng imbestigasyon. 

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *