Tuesday , December 30 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Paghahanda sa Valentine’s Day sa Gandang Ricky Reyes

020615 grr

TUWING sasapit ang Pebrero 14 ay nagdiriwang ang mga taong nagmamahalan dahil ito’y Valentine’s Day o Araw Ng Mga Puso.

Tutok lang sa lifestyle program ng GMA NEWS TV na Gandang Ricky Reyes Todo Na Toh (GRR TNT) ngayong Sabado, 9:00-10:00 a.m. dahil pang-Love Day ang mga itatampok.

Dadalhin tayo ni Mader Ricky Reyes sa mga popular na kainang maaaring pagdalhan sa ating pamilya, asawa o kasintahan. Maaaring mag-order in advance ng mga putaheng inyong trip pagsaluhan sa halagang abot-kaya ng bulsa. May mga espesyal na setting for two na tunay na romantiko o tila pistang hain para sa pinagsamang pamilya, kamag-anak at kaibigan.

Magbibigay naman ng payo ang ating host-producer kung anong regalo ang dapat ibigay sa inyong Valentino o Valentina; pati na mga tindahan at lugar kung saan matatagpuan ang mga ito. “Sa totoo lang, ‘di naman kailangang magpalitan ng mamahaling regalo sa okasyong ito. Ang mas mahalaga’y maligaya, tahimik at trouble-free ang samahan,” sabi ni Mader.

Isang masuwerteng couple ang reregaluhan ng GRR TNT ng isang Make Over Magic para sa kanilang dinner date. Tuwang-tuwa ang dalawa sa kanilang pagbabagong-anyo at ‘di matapos-tapos ang pasasalamat nila sa Gandang Ricky Reyes Salon hairdressers na nag-ayos sa kanila mula ulo hanggang paa.

Abangan at kiligin sa pagtatampok ng mga ‘di malilimutang “historia de un amor” ng ilang sikat na personalidad sa pagsasalaysay ni Mader RR.

Laging panoorin ang GRR TNT na handog sa inyo ng ScriptoVision Enterprise para sa isang oras ng mga pagtatanghal tungkol sa isyung pangkabuhayan, pangkagandahan, at pangkalusugan.

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Vice Ganda, Ion Perez pinaghahandaan pagkakaroon ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SINABI ni Vice Ganda, sa isang panayam na willing sila ni Ion Perez na …

James Reid Nadine Lustre Jadine

Nadine ayaw na nga bang makatrabaho si James?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAALIW naman kami sa latest interview kay Nadine Lustre. Bukod sa pagiging consistent …