Tuesday , December 30 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Geoff, Empress, Max At Dion Kaabang-Abang Sa “Kailan Ba Tama Ang Mali?” Empress Daring Sa Soap Sa GMA


020615 Kailan ba Tama ang Mali

00 vongga chika peterSA MONDAY (Feb 9) ay mapanonood na sa GMA Afternoon Prime ang newest series na “Kailan Ba Tama Ang Mali?” na pagbibidahan nina Geoff Eigenmann, Max Collins, Dion Ignacio at nagbabalik Kapuso na si Empress Schuck. Tulad ng tinangkilik ninyong mga soap sa panghapong drama ng Kapuso ay kapana-panabik rin na subaybayan araw-araw ang Kailan Ba Tama Ang Mali, na iikot sa kakaibang kuwento ng pag-ibig nina Leo (Geoff), ang mapagmahal, mabait ngunit makasariling asawa; Amanda(Max) ang asawa ni Leo, breadwinner at responsableng asawa; Oliver (Dion), boss ni Amanda na biglang magkakagusto sa kanya; at Empress bilang Sonya, ang babaeng may anak kay Leo na patuloy na nagmamahal sa lalaki kahit may asawa na. Ipakikita sa kuwento ang kakaibang relasyon nina Amanda at Leo na makahahanap ng bagong pagkalinga sa karakter nina Oliver at Sonya. Ngunit dahil sa hindi inaasahang pagkakaroon ng sakit ni Leo, isang trahedya ang magtutulak sa lahat upang mamili sa iniisip nilang tama kahit mali para sa iba. Tama bang mahalin pa rin ni Leo si Amanda kahit may anak na kay Sonya? O tama bang tuluyan nang hiwalayan ni Amanda si Oliver matapos ang lahat ng ibinigay niya? Kanino mapupunta si Amanda? Sino ang pipiliin niya? Si Sonya na lahat ay kanyang gagawin para maagaw si Leo kay Amanda, magtagumpay kaya siya sa kanyang hinahangad? Pare-parehong mahuhusay sa kanilang character sina Max at Empress at bigay-todo rin sila sa love scene nila with Geoff na first time nilang ginawa sa kanilang mga career. Ayon kay Empresss nang makausap namin sa grand presscon ng first serye niya sa GMA after long, long years nang magbalik siya rito. Kung dati ay kinakabahan siya kapag may mga nakita siyang kissing scene sa script. Dito sa “Kailan Ba Tama Ang Mali” ay ginawa niya raw ang eksena without any hesitation. In fairness ang ganda naman kasi ng soap, at very challenging ang role na napunta kay Empress, na di niya pwedeng tanggihan. “Kasi dati, ‘pag may ganyan nagwo-worry talaga ako, ite-textg ko pa si Tita Becky(Aguila), ganyan. Pero ngayon, sabi ko talaga, hindi na, go na ‘to, wala nang tanong-tanong kasi 22 na ako, so…” say pa ni Empress na pwede nang i-level sa mga versatile actress. Siyempre noong una ay may konting kaba pa rin pero dahil alam niyang kailangan niya ‘yung gawin kaya inalis daw niya ang kanyang kaba. Pinuri niya leading man na si Geoff, na gentleman daw sa kanilang kissing scene at sobra siyang iningatan sa kanilang maseselang eksena. Para naman kay Max, hindi naman raw imposible na hindi siya ma-attract kay Geoff kasi napakabait raw nito, guwapo at matalino. “Kung tatanungin n’yo po ako kung attracted ako sa kanya (Geoff), yes.

Attracted ako sa kanya. I mean, what’s not to be attracted to? At kailangan raw talagang maging attracted sila sa isa’t isa ng actor para magampanan ‘yung role na ibinigay sa amin.

Naku! Sino ba naman kasi ang hindi mabibighani kay Geoff, siyempre kay Dion at isa pang kasama nila sa soap na si Ervic Vijandre e, kapanta-pantasya naman talaga ang tatlon hunk. Ka-join rin pala sa cast ng

“Kailan Ba Tama Ang Mali” sina Sharmaine Buencamino, Ryza Cenon, Chariz Solomon, Ash Ortega, Ken Alfonso atpb. Ang isa sa mahusay na house director ng GMA 7 na si Gil Tejada Jr., ang nag-direk nito at kabilang naman sa bumubuo ng creative team ng newest serye ang Creative Director na si Roy Iglesias, Creative Head Dode Cruz; Creative Consultant, Concept Creator, and Headwriter Denoy Navarro-Punio; Writers John Kenneth De Leon and Anna Levita Macapugay; and Brainstormers Renei Patricia Dimla, Tina Velasco and Liberty Trinidad.

Watch kayo gyud!

ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Vice Ganda, Ion Perez pinaghahandaan pagkakaroon ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SINABI ni Vice Ganda, sa isang panayam na willing sila ni Ion Perez na …

James Reid Nadine Lustre Jadine

Nadine ayaw na nga bang makatrabaho si James?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAALIW naman kami sa latest interview kay Nadine Lustre. Bukod sa pagiging consistent …