Monday , December 23 2024

 ‘Di isusuko ng MILF lahat ng baril (Duda ni Kabalu)

saf 44 firearmsKORONADAL CITY – Duda si dating Moro Islamic Liberation Front (MILF) spokesman at ngayon vice chairman ng Bangsamoro Transformation Council Eid Kabalu na masusunod nang siyento porsiyento ang napagkasunduan sa decommissioning o pagsusuko ng mga armas ng lahat ng mga mandirigma ng MILF.

Sinabi ni Kabalu, iba ang nilagdaang papel sa magiging implementasyon nito lalong lalo na sa ground.

Ipinaliwanag niyang parang nakaugalian na sa bansa na hindi nasusunod ng 100 percent ang mga nakalagay sa agreement ng dalawang panig partikular na ng GRP at MILF peace panel.

Ngunit naniniwala siyang kailangang sundin ng MILF kung ano ang napagkasunduan.

Ipinagdiinan din ni Kabalu na dapat lamang maipasa ang Bangsamoro Basic Law (BBL) at hindi maapektohan ng Mamasapano encounter dahil masasayang lamang ang dekadang pakikipaglaban na makamit ang kapayapaan sa Mindanao.

Hindi rin aniya dapat na isisi sa lahat ng kasapi ng MILF ang kasalanan ng isa o dalawang commanders na nakasagupa ng SAF troopers.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *