Monday , December 23 2024

SAF malamig kay PNoy? (Pangulo ‘di kinausap)

SAF silent treatmentMARIING itinanggi ng Malacañang na malamig ang pagtanggap ng PNP-Special Action Force (SAF) kay Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III nang harapin niya ang grupo nitong Sabado ng madaling araw kaugnay sa Mamasapano massacre.

Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, kasama siya mismo nang harapin ni Pangulong Aquino ang mga pulis dakong 12:45 a.m. noong Sabado makaraan kausapin isa-isa ang pamilya ng 44 SAF troopers na minasaker sa Mamasapano, Maguindanao.

Sa naturang pagharap ni Aquino sa SAF, sinabihan sila ng Pangulo na ilabas na ang kanilang damdamin, saloobin o kaya panukala ngunit walang sino man sa kanila ang nagsalita.

Kinabukasan, si Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas ang humarap sa SAF at may ilang troopers ang nagsalita at naglabas ng sama ng loob at nanumbat ng kawalan anila ng suporta ng gobyerno sa kanila.

“Ang sinabi naman ng Pangulo, kung wala pa silang kahandaan sa oras na iyon, dahil napakabigat pa po ng kalooban, ay bukas naman iyong pintuan para sila ay maghayag pa ng saloobin nila,” ani Coloma. “Pero iyong sinabi nga niya roon, napakahalaga ng PNP-SAF sa paglaban sa karahasan at terorismo at sa pagpapanatili ng kapayapaan. Kaya mahalaga na magbagong-tatag at magpalakas ulit ang puwersa ng PNP-SAF.”

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *