Monday , December 23 2024

Pnoy dapat managot sa Mamasapano Clash (Giit ng militante)

pnoy resignNAGSAGAWA ng kilos-protesat ang iba’t ibang militanteng grupo para igiit ang pagpapapanagot kay Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III kaugnay sa madugong sagupaan sa Mamasapano. 

Tinawag na March for Truth and Accountability, sinabi ni Bayan Sec. Gen. Renato Reyes Jr., direkta kay Aquino ang pananagutan sa pagkamatay ng 44 pulis, ilang MILF at ilang sibilyan sa enkwentro. Sabi niya, si Aquino ang punong promotor ng operasyon na nagsubo sa PNP-SAF sa tiyak na kapahamakan at kamatayan.

Sumunod din aniya ang Pangulo sa udyok ng Estados Unidos na walang pakundangan sa maaaring epekto ng operasyon sa mga buhay ng SAF, MILF at sibilyan.

Nagbabala rin ang grupo laban sa cover-up ng Palasyo at sa limitasyon ng Board of Inquiry.

Matapos sa Mendiola, nagmartsa pa-US Embassy ang mga militante para roon ipagpatuloy ang programa.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *