Monday , December 23 2024

Pangasinan kuta ng ilegal na peryahan ng Bayan (Ipinabubuwag ng DILG sa pulisya)

FRONTPANGASINAN – Dalawang bayan sa lalawigang ito ang idineklarang kuta ng ilegal na sugal gamit ang laro ng PCSO na Peryahang Bayan at iniutos ng liderato ng DILG na tugisin at kasuhan ang mga nasa likod nito, partikular ang umano’y isang retired PNP general at ang kanyang mistah na alkalde sa isang bayan dito.

“Ginagawang front ng jueteng ang operasyon ng Peryahang Bayan sa Binmaley at Lingayen at hindi lang protector ng nasabing ilegal na sugal ang mga mataas na opisyal ng munisipyo kundi sila mismo ang financiers at operators,” sumbong ng isang bokal ng lalawigan sa mga taga-media.

Ayon sa nagsusumbong na miyembro ng Sangguniang Panlalawigan, iniutos na umano ni DILG Sec. Mar Roxas sa lokal na pulisya rito ang agarang pagbuwag sa mga bookies ng Peryahang Bayan na prente ng talamak na jueteng operations.

“Patunay rito ang ginawang anti-illegal gambling operations ng mga kagawad ng PNP regional safety battalion sa nasabing mga munisipyo noong isang araw na nalambat ang ilang ilegalista sa bayan ng Binmaley at kinasuhan na sa piskalya,” pahayag ng nasabing opisyal.

Kasalukuyang sinisiyasat ng piskalya ang kaso laban sa umano’y mga kobrador ng jueteng na sina

Condrado Caronogan, Amelia Villanueva, Ma. Teresa Soriano, Lilia Rosario, Rogel Soriano at iba pang kasamahan nila na sinasabing naaktohan habang lumalabag sa batas laban sa ilegal na sugal.

Kinilala ng bokal ang retiradong heneral sa likod ng bookies ng Peryahang Bayan na isang Alyas Barcena at mga lokal na politiko sa bayan ng Laoac at Bigmali na sina alyas Silver at isang alyas Rosary.

Nauna rito ay marami na rin ang naaresto ilang linggo ang nakaraan sa sunod-sunod na operasyon ng lokal na pulisya laban sa jueteng na ikinukubli sa laro ng Peryahang Bayan.

“Pero tuloy-tuloy pa rin ang ilegal na gawain ng grupo nina alyas Gen. Barcena sa pag-uudyok ng ilang tiwaling  mataas na opisyal sa munisipyo na nangangailangan ng pondo para sa darating na halalan,” pahayag ng nagsusumbong na bokal. 

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *