Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

MILF Commander  tumangging kasama sa Mamasapano Clash

wahid tundokITINANGGI ng top MILF commander na kasama siya sa mga nagbakbakan sa Mamasapano, Ma-guindanao na ikinamatay ng 44 PNP-SAF.

Pahayag ni 118th Base Commader Ustadz Abdulwahid, mas kilala bilang Wahid Tundok, hindi siya kasali maging ang kanyang mga tauhan sa enkwentro.

Matatandaan, sinabi ni dating PNP-SAF Chief Leocadio Santiago, kabilang si Tundok sa responsable sa madugong ope-rasyon sa Mamasapano kasama ang 105th Base Command.

Ngunit sinabi ni Tundok, inutusan niya ang kanyang mga tauhan na huwag kumilos at manatili sa kanilang mga posisyon.

Ang tanging naging partisipasyon lamang aniya ay nang lapitan siya ng Coordinating Committee on the Cessation of Hostilities (CCCH) at International Monitoring Team (IMT) at sinabing itigil ang bakbakan.

Napahinto aniya ang putukan at kasama pang umuwi ang mga taga-CCCH at IMT.

Pagtataka ni Tundok, bakit nakasali ang kanilang pangalan sa mga nakipagbakbakan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …