Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jerry Yan, nagbabalik via Unforgettable Love

ni Roldan Castro

020515 jerry yan

MAGBABALIK ang original Asianovela heartthrob na si Jerry Yan ng F4 bilang eligible bachelor na biglang magiging ama sa pinakabagong primetime serye ng ABS-CBN na Unforgettable Love.

Unang minahal ng mga Filipino bilang si Dao Ming Si sa phenomenal Taiwanese serye na Meteor Garden, gagampanan ni Jerry ang kanyang pinaka-challenging at pinakaromantikong papel sa espesyal na dramang ito na ginawa pa sa mainland China. Gaganap naman bilang kapareha niya ang sikat na Chinese actress na si Tong Li Ya.

Sundan ang kuwento ni Gio, isang mayamang businessman na sasagipin ang isang batang lalaki mula sa isang aksidente sa mismong event ng kanyang kampanya. Rito bubulaga ang katotohanang ang batang ito pala ay kanyang anak.

Matapos mapatunayan sa DNA test na anak niya nga ito, babaling ang atensiyon ni Gio sa ina ng batang si Nina at pilit pagtatantuhin kung paano ito naging ina ng susunod na tagapagmana ng Li Corporation. At saka niya lang maaalala na si Nina pala ang babaeng minsang nakaniig niya ilang taon na ang nakararaan. Wala siyang kamalay-malay na nagbunga pala ang kanilang isang gabing pinagsaluhan.

Nang mabigyang linaw na ang lahat, pipilitin ni Gio na makuha ang anak. Magsasampa ito ng kaso sa korte at mapagtatagumpayan ang kustodiya sa bata. Ngunit, hindi patatalo si Nina ng ganoon lang at isusugal lahat maibalik lang ang pinakamamahal na si Jon Jon. Magagawa kaya ng dalawa na magkasundo para sa bata? Sa pagbukas ni Gio ng puso sa batang ngayon niya lang nakilala, bubuksan niya rin kaya ang puso kay Nina?

Huwag palalampasin ang pagsisimula ng kuwentong hindi niyo malilimutan sa Unforgettable Love na nagsimula na noong Lunes (Feb 2) pagkatapos ng Aquino and Abunda Tonight sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …