Saturday , March 14 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Iza, iniwan ng driver dahil sa mahaderang PA

ni Alex Brosas

020515 iza calzado

PURING-PURI ng dating driver ni Iza Calzado ang aktres.

Noong nagwo-work pa kasi kay Iza ang driver, wala siyang maipintas sa aktres. Marunong daw kasi itong makisama. Kung kailangan kasi niya ng tulong ay hindi siya nagdadalawang salita pa rito. Bigay daw kaagad si Iza basta alam niyang gagamitin sa magandang paraan ang perang hinihiram sa kanya.

At kapag binabayaran na raw ng driver mula sa buwanang suweldo ang kanyang inutang ay nagugulat pa si Iza at sinasabihan siyang baka kailanga pa niya ng pera, eh, ‘wag muna siyang magbayad. Ganoon kabait ang aktres.

Nang maging blockbuster ang movie ni Iza kay Piolo Pascual ay nabigyan siyempre ng bonus ang aktres.

Alam n’yo bang marunong palang mag-share ng blessings itong Kapamilya actress. Nagulat na lang daw siya nang abutan siya ni Iza ng isang envelope na may lamang P10,000. Ang say pa raw nito sa kanyang driver ay dapat i-share ang blessings na dumarating sa kanya.

Umalis ang driver ni Iza dahil sa mahadera niyang production assistant. Kung makaasta raw itong PA na ito ay daig pa nila ang kanyang among si Iza. Unang-una, wala itong paki kung mag-utos.

 

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Rabiya Mateo

Rabiya Mateo lalayasan na ang showbiz

I-FLEXni Jun Nardo PLANO na ng beauty queen na si Rabiya Mateo na lumayas na sa …

Jillian Ward Eman Bacosa Pacquiao

Jillian blooming dahil daw kay Eman Bacosa

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa social media ang mga larawang ipinost ng Kapuso …

Klea Pineda Janella Salvador property

Janella, Klea bumili ng property

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI pa malinaw ang tunay na estado ng relasyon nina Klea Pineda at Janella …

Zanjoe Marudo Angelica Panganiban Bea Alonzo Vincent Co The Silent Noise

Zanjoe nagulat, masaya sa kasalang Bea-Vincent; Role sa The Silent Noise mahirap palampasin 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IKINAGULAT subalit masaya ang aktor na si Zanjoe Marudo sa nakatakdang pagpapakasal ng …

Ahtisa Manalo GMA7 Sparkle

Ahtisa Manalo pumirma na sa GMA

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMIRMA na sa Sparkle Artist ng management contract si Ahtisa Manalo kayainaasahang hahakot ito ng viewers …