ni ROLAND LERUM
SA interbyu kay Camille Prats, sinabi niyang hindi totoong pagkatapos maikasal ng kapatid niyang si John Prats kay Isabel Oli sa May, siya na ang susunod with her non-showbiz boyfriend.
“Matagal pa, hindi pa nga nagpo-propose, eh! ‘Wag n’yong madaliin baka mabantilawan!” tili niya.
Mas blooming ang beauty ni Camille ngayon kaysa noong namayapa ang una niyang kabiyak. Feeling dalaga siyang muli sa pagdating ng bagong nobyo. Hulog na hulog na raw talaga ang loob niya kay John Yambao pero hindi pa agad sila magpapakasal this year dahil ayaw naman niyang magsukob silang magkapatid.