Tuesday , December 30 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Baby, 4 paslit, 3 pa nasagip sa hostage taker na pastor

hostageNAILIGTAS ng mga awtoridad ang walo katao, kabilang ang isang sanggol, apat na paslit, at tatlo pa makaraan i-hostage ng isang pastor sa Brgy. 132, Canoy St., Pasay City kahapon.

Inabot nang mahigit pitong oras ang hostage drama bago nahuli ang suspek na Christopher Magsusay, 56, sinabing isang pastor at isa rin tricycle operator, ng 2414 Canoy St., Brgy. 132 ng naturang lungsod.

Nagtangkang tumakas si Magsusay sa pamamagitan ng pag-akyat sa bubungan ng bahay.

Isinugod sa Pasay City General Hospital ang suspek dahil sa tama ng bala sa kaliwang dibdib at noo makaraan makipagpalitan ng putok sa mga awtoridad.

Kinilala ng pulisya ang mga biktima na mag-asawang Rolando, 40, at Jonnel Balnido, 37, at ang tatlo nilang mga anak na itinago sa pangalang Cloud, 7; Jasmine 5; at Froilan, 3; dalawang anak ng kanilang kapitbahay na sina Janine, 3; Daryll, 1; at Jose Veloso, 19, ng 2154 Canoy St. ng nasabing lungsod, pawang nasa mabuting kalagayan.

Jaja Garcia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …

Senate Senado

5 senador pasok bilang ‘most favorable’ senators

TATLONG miyembro ng mayorya at dalawa mula sa minorya ang pumasok sa top 5 ng …

Nartatez United Candelaria Doctors Hospital

Acting PNP Chief Nartatez Personal na Dumalaw sa mga Sugatang Pulis at Pinarangalan ang Nasawing Kasamahan sa Quezon

Pamumunong Nariyan Kapag Kailangan Hindi nag-atubiling magtungo si Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio C. …