Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Armas ng Fallen 44 ibinebenta na  

saf 44 firearmsIKINAKALAKAL na ang mga baril ng Fallen 44 na kinulimbat ng mga miyembro ng MILF at BIFF makaraan ang bakbakan sa Mamasapano, Maguindanao.

Ibinulgar ito ni PNP OIC Leonardo Espina sa kanyang pagharap sa pagdinig ng House Ad Hoc Committee on the Bangsamoro kahapon.

Base sa nakarating na impormasyon kay Espina, isang recoiless rifle ang naibenta na sa halagang P1.5 milyon ngunit hindi malinaw kung sino ang bumili nito.

Humarap sa Komite si Espina para humingi ng paumanhin dahil hindi nila agad naisumite ang hinihinging incident report.

Nangako si Espina na bago o sa Pebrero 9 ay isusumite nila ang ulat sa komite bilang pagsunod sa deadline na itinakda ng chairman na si Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez.

Sinabi ni Espina, binigyan ng isang buwan palugit ni DILG Secretary Mar Roxas ang Board Of Inquiry (BOI) para maisumite ang ulat sa kaugnay sa insidente.

Jethro Sinocruz

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …