Monday , December 23 2024

2 patay, 11 sugatan sa gumuhong condo sa Taguig

the suites condoDALAWA ang patay habang 11 ang sugatan sa pagguho ng itinatayong 63-story residential tower na The Suites condominium sa kanto ng 5th at 28th Avenue, Bonifacio Global City sa Taguig dakong 8 a.m. kahapon.

Kinilala ni Taguig City Fire Marshal Chief Inspector Juanito Maslang ang mga namatay na construction worker na sina Ruben Racraquen at Renante Dela Cruz. Karamihan sa mga biktima ay dumanas ng pinsala sa braso, balikat at likod.

Habang isinugod sa St. Luke’s Medical Center at Ospital ng Makati ang mga sugatan na sina Aldrin Gahuman, Jaymar Carbeta, Sandy Vargas,  Roberto Lorca, Regan Labmutin, Larry Magguray, Wendel Behim, Darwin Amara, Bernard Tugade, Jonathan Agoson, at Delinger Abara. 

“Kakaalis ko lang sa building no’ng mangyari, segundo lang ayun na bumagsak na,” pahayag ni Edwin Suarez, isa ring construction worker.

Sinabi ni Taguig City police chief, Senior Supt. Arthur Felix Asis, nagsasagawa na ng imbestigasyon ang kanyang mga tauhan sa construction site kaugnay sa insidente.

Samantala, sinisi ng Labor group Trade Union Congress of the Philippines-Nagkaisa ang Labor department at local officials ng lungsod sa insidente.     

Jaja Garcia

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *