Monday , December 23 2024

Pnoy inabswelto nina Drilon at Coloma

pnoy coloma drilonHINDI puwedeng panagutin si Pangulong Benigno Aquino III sa pagkamatay ng Fallen 44 sa Mamasapano, Maguindanao, base sa doktrinang “command responsibility.”

Sinabi ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr.,  sang-ayon ang Palasyo sa pahayag ni Senate President Franklin Drilon na batay sa Roman Statute, “command responsibility will apply if the superior, knowing his subordinate will commit a crime, fails to stop the commission of the crime, or knowing that his subordinates committed a crime, fails to punish them.”

Giit ni Coloma, malinaw na ang pakay ng operasyon ng PNP-SAF (Philippine National Police-Special Action Force) ay hindi krimen kundi upang magpatupad ng batas.

Nauna nang inihayag ni Senator Miriam Defensor-Santiago na puwedeng panagutin si Aquino sa International Criminal Court dahil sa palpak na operasyon sa Mamasapano na ang target ay dalawang “high-value international terrorists.”

Sinabi ni Senator Teofisto Guingona III, posibleng imbitahan si Aquino para alamin ang kanyang nalalaman sa insidente.

Katuwiran ni Coloma, naipaliwanag na ni Pangulong Aquino ang kanyang panig sa SAF operation, kinausap na rin ang mga nasugatan at hiniling sa kanila na isulat ang mga naaalala nilang detalye.

Rose Novenario

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *