Monday , December 23 2024

Pinoy pinagbibitiw

pnoy resignINIHIRIT ng Kabataan partylist na bumaba sa puwesto si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III kasunod ng pinal na hatol ng Supreme Court (SC) ukol sa unconstitutionality ng ilang bahagi ng Disbursement Acceleration Program (DAP). 

“If President Aquino has any sense of decency left, he should already resign. The botched Mamasapano operation is enough for him to step down. The DAP decision is the final nail in the coffin. President Aquino, face the music and pack your bags,” ani Kabataan Party-list Rep Terry Ridon. 

Nitong Martes, pinagtibay ng SC ang naunang desisyon

noong Hulyo 2014 ukol sa pagiging illegal ng ilang bahagi ng DAP kabilang na ang: pagdedeklara bilang savings ng mga pondong hindi naggastos; “cross-border” transfer sa mga naturang savings sa labas ng Executive Branch; at

pagpondo sa mga proyekto, aktibidad at programang hindi saklaw ng General Appropriations Act at kahit walang certification mula sa National Treasurer. 

Habang “lack of merit” ang ikinatwiran ng Korte Suprema sa pagbasura sa motion for reconsideration na inihain ng Palasyo ukol sa naunang ruling laban sa DAP.

Nanindigan din ang kataas-taasang hukuman na maaaring papanagutin sa “proper tribunals” ang mga nagsulong sa tinaguriang ‘Presidential pork barrel’. 

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *