Ask q lng po sna ung pngnip q 2ngkol s baby n buhat2 q dw po at inaalagaan kc parang my skt po or bka mgkskit. Tpos po bglang nging malaki n ung baby n ang cute dw tpos pnay po ang pbuhat skn. Tpos po pnay ang pitas nya ng kalamansi at knkain nya un n parang hindi naasiman. Tpos sarap n sarap dw po aq s pannuod s kanya habang kumakain xa.. ano po ibg sbhn nun? My knalaman po kya un s bnbalak qng mangibang bansa? Tnhx po,. W8 q po ung sgot nyo. Jen lng LP (09096553925)
To Jen,
Ang baby ay may kaugnayan sa innocence, warmth, at new beginnings. Ang sanggol ay sumisimbolo sa iyong sariling inner nature na pure, vulnerable, helpless and/or uncorrupted. Kaya maaari rin na ang panaginip na ganito ay isang babala sa posibleng kapahamakan mula sa taong gusto kang masaktan, maaaring sa paraang physical o financial. Kaya dapat na mag-ingat sa mga taong nakapaligid sa iyo, lalo na ang mga hindi pa lubos na kilala talaga. Ito ay maaari ring may kinalaman sa pagkilala sa iyong hidden potential. Posible rin na ang iyong bungang tulog ay nagpapa-alala na dapat mong pangalagaan ang child within yourself.
Ang kalamansi ay maaaring nagsasabi ng bagay na inferior sa quality. Maaaring may isang relasyon na umasim o naging sour. Ang pagkain nito ay posible rin naman na may kaugnayan sa pangangailan sa cleansing o healing.
Ang pagpunta mo sa ibang bansa ay walang kaugnayan sa panaginip mo. Ito ay nakakabit sa iyong tunay na intensiyon at sa iyong pagiging masigasig na matupad ang mga mithiin sa buhay. Manalig ka sa iyong sarili upang ang mga bagay at mga pangarap mo sa buhay ay magkaroon ng katuparan.
Señor H.