ni Alex Brosas
MUJERISTA ang role ni Niño Muhlach sa 1 Day, Isang Araw, launching movie ng baguhang child actress na si Alaina Jezl Ocampo.
Actually, hindi ito ang unang pagkakataon na nagbading si Onin sa isang indie film. Gay siya sa Slumber Party na talaga namang ikinaloka ng marami.
“Ano ako rito, bading na bihis babae na loud, babae talaga, naka-make-up lagi,” chika ni Onin sa storycon ng 1 Day, Isang Araw. Kasama rin niya sa movie ang anak niyang si Sandro Muhlach.
When we asked him kung sino ang peg niya sa role niya bilang bading, he said, “Sino bang pine-peg ko? Parang si Soxy Topacio. Mahirap maglakad ng naka-heels, ha. Talagang bading talaga na naka-hikaw at naka-lipstick.”
Ano naman ang reaction ng mga anak niya nang makita siyang bading sa movie?
“When I did ‘Slumber Party’ si Alonzo two years old pa lang noon. Noong makita niya ako ay iyak siya nang iyak.”