Wednesday , December 31 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nash Aguas, may payo sa mga kabataan

 

011215 Ella Nash Alexa

00 Alam mo na NonienashMAY payo ang Bagito lead star na si Nash Aguas para sa mga tulad ni-yang bagets. Personal na isinusulong ni Nash ang kahalagahan ng tamang paggabay sa mga kapwa niya kabataan at umaasa siya na sa pamamagitan ng online forum nilang “Bagito Hangout” ay maka-tutulong ang kanilang programa sa mga batang manonood.

“Para sa mga kabataang gaya ko na mas madalas na nakatutok sa Internet at social media, malaking bagay na may ‘Bagito Hangout’ na puwedeng lapitan at hingan ng payo. Dahil sa panahon namin ngayon na marami nang tukso at masasamang impluwensiya na posibleng ikasira ng aming buhay,” pahayag ng Kapamilya young star kaugnay ng online forum na bukas din para sa mga magulang na nag-aalala sa kapakanan ng kanilang mga anak.

Ang “Bagito Hangout” ay inilunsad na online forum ng ABS-CBN at Center for Family Ministries (CeFaM) bilang tugon sa viewers na nangangaila-ngan ng gabay kaugnay ng iba’t ibang problema sa pamilya, pakikipagkaibigan, at pag-ibig.

Maaaring magpadala ng mga katanungan ang viewers sa mga counselor ng CeFaM sa http://bagito.abs-cbn.com/hangout tuwing Lunes hanggang Biyernes, mula 6:30PM-7:30PM.

Huwag palampasin ang mga kapanapanabik na tagpo sa teleseryeng ito na magmumulat sa isip at puso ng mga kabataan, gabi-gabi, bago mag-TV Patrol sa ABS-CBN Primetime Bida.

Para sa karagdagang impormasyon kaugnay ng Bagito, bisitahin ang official social networking sites ng Dreamscape sa Twitter.com/DreamscapePH at Instagram.com/DreamscapePH.

 

ni Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Vice Ganda, Ion Perez pinaghahandaan pagkakaroon ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SINABI ni Vice Ganda, sa isang panayam na willing sila ni Ion Perez na …

James Reid Nadine Lustre Jadine

Nadine ayaw na nga bang makatrabaho si James?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAALIW naman kami sa latest interview kay Nadine Lustre. Bukod sa pagiging consistent …