ni Alex Brosas
NAIMBIYERNA yata si Kris Aquino kay Judy Ann Santos kaya in-unfollow niya ito sa Instagram.
Bilang reaction sa isang basher na nagsabing epal siya at hindi dapat pinatututsadahan ang president, ito ang comment ni Juday: “I respect your opinion. Lahat naman tayo nagbabayad ng buwis. Kaya lahat tayo may karapatang magbigay ng sarili nating opinion at saloobin sa mga bagay na gobyerno ang involved. You might want to check other big accounts of other public figures as well. We all share the same sentiments. Tao lang din kami. Kaya may karapatan kaming sabihin kung ano ang nararamdaman namin. It is already an issue to begin with.”
Tila hindi nagustuhan ni Kris ang pahayag na ‘yon ni Juday kaya in-unfollow niya ito sa Instagram.