ni Rommel Placente
NOON pa napabalita na pagsasamahin sa isang pelikula sina Claudine Baretto at Judy Ann Santos noong pareho pa silang walang mga anak, pero hiindi naman natuloy. Ngayon ay may balita ulit na pagsasamahin ang dalawa sa isang pelikula na ipo-produce ng Star Cinema at ididirehe ni Chito Rono.
Well, this time kaya, ay matuloy na ang dalawa na magkatrabaho/magkasama sa isang proyekto? Kung sakali ngang matuloy na ‘yun, sino kaya sa dalawa ang mas lulutang ang akting sa kanilang pelikula? Sino kaya ang sasapawan nino?
Parehong mahusay na aktres sina Juday at Claudine kaya tiyak hindi sila patatalbog sa isa’t isa, ‘di ba?