Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Catanduanes niyanig ng magnitude 6.2 lindol

catanduanes earthquakeNAYANIG ng magnitude 6.2 na lindol ang Catanduanes dakong 11:13 p.m. kamakalawa.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang sentro ng lindol sa layong 91 kilometro hilagang-silangan ng bayan ng Virac. 

Tectonic ang origin nito at may lalim na 3 kilometro.

Naramdaman ang lindol sa: Intensity V – Gigmoto, Catanduanes; Intensity IV – Virac, Catanduanes; Intensity III – Panganiban, Catanduanes; Sorsogon City, Legazpi City; Irosin at Prieto Diaz, Sorsogon; Intensity II – Naga City, Masbate City, Quezon City; at Intensity I – Manila

Sinabi ni Phivolcs researcher Dante Soneja,. sa bahagi ng karagatan naitala ang lindol.

Habang ayon kay Catanduanes Governor Araceli Wong: “Sa central ng Virac, talaga pong ramdam nila, naramdaman nila ‘yung yanig na medyo mataas but they cannot predict ‘yung strength.”

Hanggang hatinggabi, wala aniyang napabalitang pinsala sa kanilang lugar. “‘Yung yanig naramdaman pero walang tsunami, walang abnormality sa dagat.”

Sa Legazpi City, iniulat na malakas ang naging pagyanig na nagtagal ng 15 hanggang 20 segundo. May ilang residente ang nagsabing sila’y nagising at lumabas ng kanilang bahay.

May inasahang pinsala at aftershocks ang Phivolcs.

Bandang 5:20 a.m. kahapon, muling nilindol ang Virac, Catanduanes.

Naitala ang magnitude 3.7 na lindol sa layong 62 kilometro hilagang-silangan ng Virac, tectonic ang origin, at may lalim na 32 kilometro.

Sa mas mahinang lindol, wala nang inaasahang pinsala o aftershocks ang Phivolcs.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …