Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Amok na walang tulog tigok sa parak (Anak, manugang, 1 pa tinaga ng samurai)

082714 police line crimePATAY ang isang lalaki makaraan pagbabarilin ng mga pulis nang mag-amok at managa na ikinasugat ng kanyang anak, manugang at isang kapitbahay kamakalawa sa Caloocan City.

Agad binawian ng buhay ang suspek na si Jesus Aquino, alyas Jojo, 39, residente ng 115 Libis Talisay Dulo,  Brgy. 12 ng nasabing lungsod, sanhi ng dalawang tama ng bala ng baril ng nagrepondeng mga tauhan ng Special Reaction Unit (SRU) ng Caloocan City Police.

Nilalapatan ng lunas sa Caloocan City Medical Center ang anak ng suspek na si Leslie Mae Aquino, 20, manugang na si Elmarch Malihan, 21, at kapitbahay na si Joshua Dapiton, 20-anyos.

Batay sa ulat ni PO1 Andrew Matining, naganap ang insidente sa Alley St., Libis Talisay Dulo ng nasabing barangay.

Dakong 11:30 a.m. naglalaba ang magtiyahing sina Maria Christina Llenaresas, 29, at Joshua Dapiton, 20, sa labas ng eskinita nang bigla silang sugurin ng taga ng suspek na armado ng samurai.

Tinamaan sa likod si Dapiton habang mabilis na nakatakas si Llenaresas. Pagkaraan ay mabilis na tumakas ang suspek.

Dakong 2:30 p.m. bumalik sa lugar ang suspek at tinaga sa likod ng ulo at katawan ang anak niyang si Leslie Mae. Umawat ang manugang na si Malihan ngunit maging siya ay inundayan ng taga kaya tinamaan sa ulo at kaliwang kamay.

Mabilis na nagresponde ang mga awtoridad para pasukuin ang suspek ngunit sinugod din sila ng taga ni Aquino kaya napilitan ang mga pulis na siya ay paputukan na naging dahilan ng kanyang kamatayan. 

Ayon sa mga kaanak ng suspek, tatlong araw nang hindi natutulog ang biktima at nagulat na lamang sila nang biglang mag-amok.

Rommel Sales

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …