ni Ronnie Carrasco III
KAISA ang buong sambayanan sa paggunita sa kabayanihan at katapangan ng 44 na trooper ng Special Action Force ng PNP sa idinaos na National Day of Mourning.
The social media is awash with the outpouring of support, kasabay ng panalanging makamtan ng mga pamilya ng tinaguriang Fallen 44 ang hustisya.
In a TV interview, sa palagay ni Senator Ralph Recto ay kailangang mapalutang ang mga pumaslang sa mga SAF commando, na bahagi ng isang international terrorists’ group.
The Moro Islamic Liberation Front o MILF should be commended sa kanilang pakikipagtulungan sa imbestigasyon, sa kabila ng mahigit 10 sundalo nila ang nalagas sa ratratan sa Masapano, Maguindanao.
Bahagi ng isinasagawang imbestigasyon ay ang pagtuklas kung may ilan nga ba sa kanilang hanay ang kasapakat ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF, na kanilang kinukondena.
Bigla tuloy naming naisip si Marlene Aguilar. Yaman din lamang na kompiyansa niyang mapatutumba ang mga sumasampalataya kay Santo Papa, may kalulugaran sa Masapano ang kanyang katapangan kuno.
Sa pagkakataong ‘yon ay walang armas o anumang sandata ang kailangan, only Marlene’s angry clenched fists and flying feet to avenge the gruesome deaths of the SAF troopers.
Mas hahanga kami kay Marlene kung buong tapang niyang hahamunin ang mga teroristang ‘yon!