Wednesday , December 31 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

JM, kaliwa’t kanan parin ang project kahit sandaling iniwan ang showbiz

ni Eddie Littlefield

020315 jm de guzman

PRE-VALENTINE treat ng Star Cinema ang That Thing Called Tadhana na pinagbibidahan nina Angelica Panganiban at JM De Guzman. Ang nasabing pelikula ay official entry sa nakaraang 10th Cinema One Original Film Festival na lubos itong pinuri ng mga kritiko. Ito’y isang romantic comedy na nilagyan ng Pinoy na Pinoy na flavor.

Sinabi ni JM na wala siyang special someone na makaka-date sa araw ng mga puso. Okay lang daw dahil busy naman siya. Naka-focus ngayon ang binata sa kanyang singing at acting career. Nagpapasalamat nga si JM sa mga tao na hanggang ngayon ay patuloy na sumusuporta sa kanya. Masasabing second break na nga niya ito para pagbutihan ang trabaho. Hindi raw lahat nabibigyan ng ganitong chance, so, dapat daw mahalin at pahalagahan ang mga taong nand’yan at hindi siya iniwan sa laban ng buhay.

Hindi itinanggi ni JM na nagdaan siya sa matinding pagsubok kaya pangsamantala siyang nawala sa showbiz. It’s a journey in his life para mag-mature at maging bukas sa mga trial na darating. Pero this time going straight na raw siya at bibigyang halaga ang kanyang propesyon as an actor/singer. Sa mga pagkakamali niya in the past marami siyang natutuhan. Mas lumawak daw ang pananaw niya sa buhay.

This time, kailangan ni JM maging matatag para sa sarili niya at sa kanyang pamilya na hindi siya iniwan noong time na kailangan niya ang mga ito. Nand’yan sila para damayan ang binata at ituro ang tamang daan para sa isang magandang kinabukasan. Maging si Mr. Johnny Manahan (Star Magic) hindi rin siya pinabayaan kaya nga nakabalik ito sa showbiz.

Sa pagiging active ngayon ni JM sa showbiz mas lalo yata siyang sumikat bilang actor/singer. Kaliwa’t kanan ngayon ang gig niya at tuloy-tuloy ang project nito sa ABS-CBN. Palibhasa magaling na actor/singer kaya malaki ang paghanga sa kanya ni Direk Antoinette Jadaone na siya ring sumulat ng That Thing Called Tadhana at ang blockbuster na pelikulang Beauty In A Bottle at Relaks, It’s Just Pag-ibig. Bilib si Direk sa acting power ni JM kaya hindi siya nahirapan idirehe ang actor.

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Vice Ganda, Ion Perez pinaghahandaan pagkakaroon ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SINABI ni Vice Ganda, sa isang panayam na willing sila ni Ion Perez na …

James Reid Nadine Lustre Jadine

Nadine ayaw na nga bang makatrabaho si James?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAALIW naman kami sa latest interview kay Nadine Lustre. Bukod sa pagiging consistent …