HINDI lang pala ang ABS-CBN2, GMA7 o TV5 ang nagpapalabas ng Koreanovela. Pati pala ang PTV4 ay nagpapalabas na rin nito, at ito ay ang Here Comes Mr. Oh! na mataas ang ratings at kinagigiliwan din ng mga Pinoy.
Bale araw-araw ipinalalabas ang Here Comes Mr. Oh! sa PTV4 (under PTV Korean Entertainment Incorporated chaired by Mr. James Chan), 5:30-6:00 p.m. at may replay pa tuwing 11:30 a.m.-12:30 p.m. Bongga ‘di ba?!
Noong Nobyembre pa nagsimula ang Koreanovela at kaagad naman itong pumatok sa televiewers. Hindi naman nakapagtataka dahil maganda raw talaga ang istorya ng Here Comes Mr. Oh!. Katunayan, marami nang award ang nakuha nito tulad ng Most Popular Star Award (Oh Yeon Seo) sa 2013Apan Star Awards; Excellent Actress (Seo Hyun Jin) sa 2013 Korea Drama Festival Award; at Rookie Actor Award (Lee Jang Woo); Excellent Award in a Soap Opera (Seo Hyun Jin); at Rookie Actress Award (Oh Yeon Seo) sa 2012 Drama Awards pa rin.
Hindi lang ‘yan na-extend pa pala ito ng nine more episodes dahil nga sa mataas na ratings na umabot sa mahigit na 20 percent sa South Korea. Nakadagdag kasi rito ang tila pampakilig nina Jang Woo at Yeon See na sinasabing hindi naman sila totoong couple bagamat madalas silang makitang magkasama. Hmmm, parang mga Pinoy artists din lang ha!
Ang Here Comes Mr. Oh! ay isang drama story ukol sa unemployed at less educated second son-in-law, si Ja Ryong (Lee Jang Woo) na may mabuting kalooban na siyang magliligtas sa unang son-in-law na sakim. Ang istorya ay umiikot din sa dalawang lalaking ang napangasawa ay ang magkapatid na babae.
Sa ipinanood sa aming teaser, naaliw kami kaya tiyak na maaaliw din ang sinumang tututok nito. Kaya watch na kayo mga kapatid sa PTV4.
ni Maricris Valdez Nicasio