Wednesday , December 31 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jake at Bea, ‘di nag-uusap pero nagte-teksan

ni Roldan Castro

020215 bea jake

INAMIN ni Jake Vargas na nabawasan sila sa Master Showman dahil sa pagkakasakit niKuya Germs. Forty na lang daw sila ngayon sa show. The show must go on pa rin kahit ganoon ang nangyayari habang nagpapalakas si Kuya Germs.

“Siyempre, nakakaawa, eh ‘yung iba ang gusto lang naman exposure sa TV, gusto nilang sumikat kaya ako kapag nandoon sa ‘Walang Tulugan’, hinahayaan ko lang sila para magkaroon ng exposure kahit p apaano…eh, ako matagal na rin naman ako sa ‘Walang Tulugan’,” sambit niya nang makatsikahan siya sa presscon ng pelikula nila ni Bea Binene naLiwanag Sa Dilim under APT Entertainment.

Napansin din ng press na tila may kiss mark sa leeg si Jake samantalang napapabalitang split naman sila ni Bea.

“Hindi kiss mark ‘yan, na-allergy ako. Bawal kasi sa akin ng malalansa,” paglilinaw niya na nakita naman namin ang marka paakyat hanggang tenga pero pagaling na.

Paano na ang tattoo ni Jake na nakalagay ang pangalan ni Bea kung split na sila? Ang laki pa naman niyon? Paano mabubura? Pero sabi nga nila, inaayos nila ang pinagdaraanan nila.

“Maaayos din naman po. Bandang huli ay maaayos din ‘yan,” deklara ni Jake.

Ano ba ang madalas nilang pag-awayan ni Bea?

“Mababaw lang naman..kasi kami parehong mataas ang pride kaya kaunting ganoon lang, parang ang laki-laki na sa amin,” aniya.

Sino ang gumagawa ng first move para magkabati sila?

“Siyempre, lalaki naman lagi ang nauuna,” aniya.

Matagal ding nakasagot si Jake kung ‘yung sinasabi nila ni Bea na ‘okey kami’ ay nag-uusap sila, may communication sila.

“Nakaka-text ko siya,” simpleng sagot niya na magta-tatlong taon na rin ang relasyon nila.

Pak!

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Vice Ganda, Ion Perez pinaghahandaan pagkakaroon ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SINABI ni Vice Ganda, sa isang panayam na willing sila ni Ion Perez na …

James Reid Nadine Lustre Jadine

Nadine ayaw na nga bang makatrabaho si James?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAALIW naman kami sa latest interview kay Nadine Lustre. Bukod sa pagiging consistent …