Monday , December 23 2024

Napeñas hiniling ibalik

napeñasMADAMDAMIN na ipinanawagan ni Special Action Force (SAF) officer-in-charge Chief Supt. Noli Talino kay Pangulong Benigno Aquino III na ibalik ang sinibak nilang pinuno na si Director Getulio Napenas.

“Sabi ni General Napeñas, SAF is an organization where good men gather and are always ready to serve. God, country, people, and organization. General Napeñas is a good man, he’s a good leader. We thank him for giving SAF the much-needed leadership. Sana maayos lahat, at makabalik siya,” ani Talino sa kanyang eulogy sa necrological service para sa SAF 44 sa Camp Bagong Diwa, Taguig City kahapon.

Si Napeñas ay sinibak makaraan ang madugong enkwentro ng SAF sa pinagsanib na pwersa ng Bangsamoro Islamic  Freedom Fighters (BIFF) at Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Mamasapano, Maguindanao noong Linggo na ikinamatay ng SAF 44 at ikinasugat ng 14 iba pa.

Sa kanyang President’s Message to the Nation noong Miyerkoles, sinisi ng Pangulo si Napeñas sa naganap na trahedya dahil aniya sa kakulangan ng koordinasyon sa ibang ahensiya ng pamahalaan at sa MILF.

Inamin ni Talino, naramdaman nila ni Napeñas na sila ay guilty sa sinapit ng kanilang mga tauhan ngunit ginawa nila aniya ang lahat ng kanilang magagawa.

Rose Novenario

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *