Sunday , November 17 2024

Fallen 44 SAF ipinanghihingi ng abuloy ni Pnoy at ng DSWD?

DSWD SAFWALA pa bang balak magtago sa ilalim ng palda ni Department of Social Work and Development (DSWD) Secretary Donkey ‘este Dinky Soliman si Pangulong Benigno Aquino III?!

Supposedly, isa sa mga trabaho ng pamahalaan sa pangunguna ni PNoy at Secretary Donkey, este mali na naman, Dinky, ay itaas ang kamalayan ng mga kababayan na indigent o ‘yung walang ibang maasahan sa panahon ng kagipitan kundi ang kanilang sarili kasi nga walang ibang kaanak kung mayroon man ay gaya rin nila ang kalagayan.

Mula sa kaisipang palaasa at palahingi ng tulong (na nakikita nating normal sa mga kababayan nating matagal na pinagkaitan ng oportunidad kaya walang masulingan kundi umasa sa kapwa) tungkulin ng DSWD na tulungang iangat ang kaisipan ng mga kababayan natin na nasa ganitong saray upang maging self-reliant.

Ibig sabihin, huwag ibaon ni PNoy at Secretary Dinky sa kaisipan na mahilig ‘sumandal’ o agad umasa sa iba kahit hindi pa nasusubukan ang kanyang sariling resources — iyan po ang esensiya ng social work and development. Huwag silang panatalihin sa abang kalagayan kundi tulu-ngan silang iangat ang kanilang sarili.

Kaya naman nagulat tayo nang mabasa natin sa mga pahayagan at mapanood sa TV na ‘PASIMUNO’ pa ang Pangulo at inatasan ang DSWD para ipangilak ng abuloy ang “Fallen 44.”

SONABAGAN!

Bakit ipangingilak ng abuloy? Dumukot kayo sa mga bulsa ninyo at iyon ang ipagkaloob ninyo sa pamilyang naulila ng mga ‘bayaning’ yan!

At ang unang dapat magbigay, ‘yung ‘UTAK’ ng operation na ‘yan!

Tinawag na bayani ng Pangulo pero kailangan pang ipangilak ng pondo para mabigyan ng marangal na libing at mabigyan umano ang naulilang pamilya.

Sabi pa ni PNoy, “I know that this grief may be accompanied by worries about your future, especially if your loved ones who sacrificed their lives were also your breadwinners. I gua-rantee: The state will give the maximum assistance it can, within the limits of the laws and rules.”

Pero may kasunod ‘yan: “On this occasion, I also take the opportunity to appeal to the public: If possible let us extend our utmost support to the bereaved, and maximize the help we can give to the families of those who fell, in recognition of the valor of these heroes who gave their lives for the realization of the peace we have long desired.”

Ang mga donasyon umano ay maaaring ipa-dala sa  Land Bank of the Philippines (LBP) Account Name: DSWD- Armed Conflict Mamasapano, Maguindanao

LBP Current Account Number (CA) No. 3122-1026-28.

Ganyan po kagaling ang Malakanyang at ang DSWD sa paghingi ng abuloy.

What the fact talaga!

Hindi pa nga ninyo naia-account nang wasto ‘yung mga abuloy para sa mga biktima ng bag-yong Senyang, Pablo, Yolanda at Glenda…heto na naman bagong pamamalimos na naman kayo?!

Utang na loob! 

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *