Monday , December 23 2024

Top NPA official arestado sa Laguna  

cpp npaNAGA CITY – Arestado ang isa sa itinuturing na high ranking official ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) na may patong-patong na kaso.

Kinilala ang suspek na si Reynaldo Hugo, tubong Bato, Camarines Sur, gumagamit ng 10 iba’t ibang alyas at kilala rin sa kanyang codename na Karding.

Ayon kay Lt. Col. Sisenando Magbalot, tagapagsalita ng 9th Infantry Division (ID) Philippine Army, nahuli ang suspek sa pamamagitan ng pinag-isang pwersa ng mga sundalo at Philippine National Police sa Brgy. Gulod, Cabuyao, Laguna.

Si Hugo ay miyembro ng executive committee (EXECOM) ng Bicol Regional Party Committee (BRPC) at ng Regional Operational.

Dinakip siya sa bisa ng warrant of arrest para sa patong-patong na kasong kinabibilangan ng 5 counts of murder, multiple murder, multiple frustrated murder, attempted homicide, arson at frustrated murder.

Nabatid na si Hugo ang pangunahing suspek sa pagpaslang kay Private First Class Larry Magalong noong 2011 sa bayan ng Labo, Camarines Norte, at ang kanyang grupo ang umatake sa bayanihan team sa Brgy. Maot sa nasabing bayan na ikinamatay nina Cpl. Amado Perillo, Jr., PFC Paulo Orticio, PFC Teodoro Ojeda, Jr., isang sibilyan at pagkasugat ng isa pa.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *