Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sheena, gusto na raw magka-baby

ni John Fontanilla

013015 sheena

NAIINGIT daw si Sheena Halili sa mga kasabayan niya sa Starstruck na may mga anak na. “Dati hindi ako naiinggit , parang deadma lang, parang okey sige may baby na sila ako wala pa.

“Hindi ako apektado , happy ako for them kasi, choice ‘yun at alam kong ready na sila kasi gusto na nila magka-baby.

“Pero ‘pag si Yasmien ang nagpo-post ng picture ng baby niya, parang ang sarap halikan ng anak niya, ang ganda-ganda tapos parang ambango-bango alam mo ‘yung ganoon.

“’Yun hindi ko maiwasang mainggit, kasi ang cute-cute talaga ng baby niya.

“Ganoon pa lang pero siyempre, hindi ko pa naman iniisip na magkaroon ng baby, hindi naman agad-agad gusto mo mayroon na ‘yun ‘di ba.

“Kumbaga nandoon pa lang siguro ‘yung nahihiligan ko ‘yung bata.”

So, nagdi-dream ka ba na magkaroon na ng baby?

“Katulad ng sabi ko hindi naman agad-agad, mahirap namang magka- baby na wala ka pa ngang boyfriend o asawa ‘di ba ha ha ha.

“Siguro gusto ko munang magkaroon ng pamangkin, hindi naman baby na kaagad.

“Ang problema pa ako nga ‘yung panganay sa aming magkakapatid tapos ako ‘yung walang karelasyon.

“Kailangan ko muna ng relationship, bago ‘yung baby,” ani Sheena.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …