ni Pilar Mateo
MAIKLING markado!
Marami nga ang nanghihinayang na sandali lang ang karakter ni Ina Raymundo sa panghapong drama ng Kapamilya na Nasaan Ka Nang Kailangan Kita? na napapanood sa Kapamilya Gold.
Sa mga nakasaksi ng nasabing pelikula in the 80’s mula sa panulat ni Ricky Lee, ipinakita nito ang sari-saring mukha ng pag-ibig. Na siya ring dadaluyan ng istorya nito ngayon sa bagong henerasyon mula sa direksyon nina Jeffrey Jeturian at Mervyn Brondial.
Speaking of Ina, nakasalo nito sa mada-dramang tagpo ng NKNKK ang dalawang talentong hindi matatawaran ang husay sa pagganap na sina Arron Villaflor at Sue Ramirez sa natatangi nilang pagganap.
Binuksan nila sa kanilang espesyal na partisipasyon ang susundan at susubaybayang istorya ng pag-ibig sa sari-sari nitong molde o mukha.
Salaminin sa istorya nina Corinne, Bea, at Toni na itinuturing na pagkakamali ang pag-ibig! Tuklasin kung bakit!