Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Manolo, pihikan sa babae kaya wala pang naging GF

ni Pilar Mateo

013015 MANOLO PEDROSA

BEING majestic! Muntik nang mawala sa focus sa pagiging bagong BNY endorser ang tsikahan kay Manolo Pedrosa sa Cucina ni Bunso.

Kasi nga nagsidatingan ang mga oldies na ang background kay Manolo eh ang pagiging tagapagmana ng hanggang ngayon eh sikat pa rin na business nila na kinagigiliwan tuwing handaan gaya ng Pasko—ang Majestic Ham!

At kung magtutuloy-tuloy na nga ang sinasabi ni Manolong blessings of being in showbiz sa kanya, ang 6 footer na inidolo na sa PBB house pa lang eh tiyak magso-soar pa to greater heights lalo’t nakasalang na siya ngayon sa Oh My G! with Janella Salvador sa ABS-CBN.

Ang Mommy GI niya ang naging daan para magustuhan ng nagnanais na makatapos sa kursong Marketing na si Manolo to be in the limelight. Si Mommy pala niya ang madalas makuha noon sa mga commercial kaya kalaunan eh nakasama na rin siya.

Big revelation that night na NGSB pala ang binatang 17. Wala pang nagiging girlfriend? Crush-crush lang?

“Hindi naman sa pihikan. Pero ganoon talaga. Siguro when the time comes gusto ko ring maging challenge ito for myself. Ang hanap ko po? Ang crush ko kasi si Julia Barretto. Si Kathryn Bernardo. Si Janella din. But ‘am not in the position para asikasuhin ang panliligaw.”

Na-link din siya kay Nicole na anak ni Phoemela Baranda when he was in Kuya’s house!

“Lahat ng nakasama ko inside the house naging friends ko naman eventually. Si Jane (Oineza) ang naging pinaka-close.”

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …